^

PSN Palaro

Alitan sa Team Pacquiao lumalala?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alitan sa Team Pacquiao lumalala?
Freddie Roach
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tila lumalala na ang alitan sa coaching staff ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Naglabas ng sama ng loob si strength and conditioning expert Justine Fortune sa isang ulat kung saan isiniwalat nitong ibi­nabato sa kanya ang sisi sa cramps ni Pacquiao sa laban.

Sinabi ni Fortune na mismong si Hall of Famer Freddie Roach ang bu­manat sa kanya.

Ayon kay Fortune, isinisisi sa kanya ang pagiging overtrained ni Pacquiao ilang araw bago ang fight night.

Dahil dito, nag-cramps ang mga binti at hita ni Pacquiao sa huling bahagi ng laban dahilan para mahirapan itong makakilos sa ibabaw ng lona.

Lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas noong Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pinuna naman ni Fortune ang pananatili ng dalawang kaliweteng sparring partners ni Pacquiao sa huling mga sparring sessions ng Pinoy champion.

Alam naman na aniya ng coaching staff na orthodox (o right-handed) si Ugas noon pang Agosto 10 subalit itinuloy pa rin ang sparring sa dalawang southpaw (kaliwete) na sparmates.

Kaya naman kung siya ang masusunod, ayaw na ni Fortune na makasama pa sa training camp si Roach.

Idinahilan nito na madalas manisi si Roach sa mga kasamahan nito sa Team Pacquiao. Ayaw umano ni Roach na tumanggap ng pagkakamali at parating ibinabato sa iba ang sisi.

Mas nanaisin ni Fortune na makasama sa training camp ni Pacquiao si chief trainer Buboy Fernandez.

Inamin naman ni Fortune na may pagkakamali ito tulad ng sprints na ginawa ni Pacquiao sa Las Vegas, Nevada isang araw bago ang laban.

vuukle comment

FORTUNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with