^

PSN Palaro

Manny puno ng pasasalamat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Manny puno ng pasasalamat
Manny Pacquiao
Photos from Manny Pacquiao’s Instagram account

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat.

Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

“I want to thank God for giving me the strength to fight,” ani Pacquiao.

Sa katunayan, mada­ling-araw na nakapagpa­hinga si Pacquiao matapos ang laban kung saan alas-4 ng umaga na ito nakatulog.

Subalit gumising ng alas-9 ng umaga si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para dumalo sa isang misa.

Patuloy din ang pasasalamat ni Pacquiao sa kanyang pamilya na kasama nito sa hirap man o ginhawa.

Muling nagpaabot ng congratulatory message si Pacquiao kay Ugas sa tagumpay nito.

Sa huli, pinasalamatan din ni Pacquiao ang milyun-milyong boxing fans sa buong mundo na sumuporta at nanood ng kanyang laban.

Ipinagmalaki ni Pacquiao na malaking kara­ngalan para sa kanya na muling iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo upang ipamalas ang husay ng isang Pinoy.

“Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all,” pagtatapos ni Pacquiao.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with