^

PSN Palaro

Pacquiao, Ugas nagkita na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao, Ugas nagkita na!
Pacquiao at Ugas
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pag­kakataon, nagkaharap na sina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas.

Dahil replacement lamang si Ugas, hindi na nakapagsagawa pa ng press tour sina Pacquiao at ang Cuban pug.

Orihinal sanang makakalaban ni Pacquiao si Errol Spence Jr. ngunit sumailalim ito sa eye surgery kaya’t si Ugas na lamang ang ipinalit na kalaban ng Pinoy champion.

Ito ang unang pagkikita nina Pacquiao at Ugas kaya’t isang engrandeng arrival ang inilatag para sa dalawang matikas na boksingero sa Toshiba Plaza sa harap ng T-Mobile Arena.

Isang batalyon ang kasama ni Pacquiao sa presentasyon.

Nangunguna sa mga backup nito sina Hall of Famer Freddie Roach, chief trainer Buboy Fernandez at strength and conditioning coach Justine Fortune.

Kita sa mukha ni Ugas ang pagka-starstruck nito kay Pacquiao ngunit hindi nito ipinahalata.

Aminado ang Cuban fighter na ito ang pinakamalaking fight sa kanyang boxing career lalo pa’t isang legendary boxer ang kanyang makakalaban.

Kaya naman handa si Ugas na ibuhos ang lahat ng kanyang alas upang makuha ang panalo.

Kasama ni Ugas sa prog­rama si chief trainer Ismael Salas na may naka­handa rin na pasabog sa fight day kay Pacquiao.

“This is not magic. It has taken away my sleep a bit because I have had to review Pacquiao’s fights, like those with Cotto and Thurman. We are making adjustments,” ani Salas.

Kahit si Salas, alam na hindi basta basta ang isang tulad ni Pacquiao kaya’t kailangan ng masusing pag-aaral upang makagawa ng tamang formula sa laban.

Magtutuos sina Pacquiao at Ugas sa Linggo (oras sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with