Romero tinupad ang pangako kay Hidilyn
MANILA, Philippines — Mismong si House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) ang personal na nag-abot ng kanyang ipinangakong P3 milyong tseke kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.
Ayon kay Romero, hindi matatapatan ang naging sakripisyo ng 30-anyos na national weightlifter para makamit ang kauna-unahang Olympic gold ng Pinas matapos ang 97 taon.
“This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” wika ni Romero sa kanilang pagkikita ni Diaz sa Sofitel Hotel kung saan nanatili ang tubong Zamboanga City para sa mandatory seven-day quarantine.
“We are really proud of you, Hidilyn. You embody the traits of a great warrior. Hoping every Olympics may gold medal tayo,” dagdag pa ng NorthPort Batang Pier team owner.
Kumpiyansa naman si Diaz na mayroon pang susunod sa kanyang mga yapak.
“Naniniwala akong sa kakayahan ng atletang Filipino. Kaya iyan!,” wika ng 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist.
Pinagreynahan ni Diaz ang women’s 55-kgs division sa Tokyo Olympics weightlifting competition.
- Latest