Medyas ni EJ agaw-eksena
MANILA, Philippines — Usap-usapan sa social media ang agaw-eksenang medyas ni Enerst John Obiena nang lumaban ito sa men’s pole vault competition sa Tokyo Olympics.
Suot ni Obiena ang medyas na may disenyo ng SpongeBob na kilalang cartoon character.
Nagsimulang magsuot ng mga nakakatuwang medyas si Obiena simula noong nakaraang taon.
Ginawa ito ni Obiena upang pagpagin ang pressure at magsilbing magandang paalala na enjoy lamang ang gawin sa anumang kumpetisyon nito.
“At the end of the day, it’s a sport, it’s a game that you should enjoy, you should not take it too seriously. It’s a reminder to not think about it too much and have fun,” ani Obiena.
Nais sana ni Obiena na magsuot ng medyas na may disenyo ng My Hero Academia o Naruto.
Subalit bigo itong makakuha ng naturang mga medyas dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restrictions sa mga delivery items.
“I actually wanted to wear some anime socks like My Hero Academia or Naruto but we weren’t allowed to go out and we weren’t allowed to order. I wouldn’t be able to find or order online. SpongeBob would do. I love those too,” dagdag ni Obiena.
Ito ang unang pagsalang ni Obiena sa Olympics.
- Latest