Pinay boxer Nesthy Petecio silver medalist sa Olympics
MANILA, Philippines — Iuuwi ng Filipina boxer na si Nesthy Petecio ang pilak sa 2020 Tokyo Olympics matapos matapos makaharap ang home fighter mula sa Japan.
Bigong madaig ni Petecio ang Haponesang si Sena Irie sa women's feather (54-57kg) boxing final bout, matapos ang unanimous decision ngayong Martes.
WE ARE STILL PROUD OF YOU, NESTHY ????????????
— News5 (@News5PH) August 3, 2021
JUST IN | Bigong masungkit ni Nesthy Petecio ang gintong medalya sa #boxing matapos matalo ni Sena Irie ng Japan sa #Tokyo2020. pic.twitter.com/I6pGzEkx7G
Bagama't pumabor kay Irie ang lahat ng limang hurado sa unang round (5-0), panalo si Nesthy sa ikalawang round (4-1).
Tatlong hurado ang dapat pumanig kay Petecio para masungkit ang ginto sa ikatlo para sa gintong medalya, bagay na bigo niyang magawa.
"Mabuhay ka Nesthy! We are proud of you!" parangal sa kanya ng Philippine Sports Commission sa isang pahayag ngayong hapon.
???????????????????????? ???????????????????? ????????????! ????????????
— Philippine Sports Commission (@psc_gov) August 3, 2021
Nesthy Petecio gives the Philippines its first silver medal in Tokyo 2020 fighting gallantly against Sena Irie of Japan in the women’s featherweight final.
Mabuhay ka Nesthy! We are proud of you! #PHI #Boxing #Tokyo2020 pic.twitter.com/1Xqbo01jth
Ipinaabot naman na rin ni presidential spokesperson Harry Roque ang pagkilala ng Malacañang ngayong namamayagpag na rin sa boksing ang mga Pinay sa antas ng Olympics.
"We congratulate Nesthy, she made us very proud. As usual, ang kwento po ni Nesthy ay kwento ng sambayanang Pilipino," ani Roque sa isang media briefing kanina.
"Tagumpay po ang silver medal ha? 'Wag po nating kakalimutan. At dahil bata pa naman si Nesthy, meron pang susunod na Olympics para makakuha ng ginto. Pero as it is, we are very proud as a nation."
Ang women's featherweight result na ito ang ikalawang opisyal na medal win ng Pilipinas, matapos maiuwi ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa weightlifting.
Sa kabila nito, tiyak na rin ang medalya para sa dalawa pang boksingerong Pinoy, kasama na si Carlo Paalam na haharap din sa Hapon na si Ryomei Tanaka sa semifinal set sa Huwebes. — may mga ulat nula kay Luisa Morales
- Latest