^

PSN Palaro

Diaz, Ando parehong may laban sa Olympic medal

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diaz, Ando parehong may laban sa Olympic medal
Hidilyn Diaz
Jun Mendoza, file

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) sa tsansa nina national weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ann Ando sa Tokyo Olympic Games.

Ayon kay SWP president Monico Puentevella, ito ay dahil sa determinasyon at sakripisyo nina Diaz at Ando para makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.

“They have been preparing hard for this,” wika ni Puentevalla sa panayam ng GMA News Online. “And Elreen, although she qualified just last month, she’s still really working hard.”

Kakampanya si Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist, sa women’s 55 kilograms division at sasalang si Ando sa women’s 64kg, class ng Tokyo Games.

Bubuksan ang kompetisyon sa women’s 55kg. sa Hulyo 26 kasunod ang wo­men’s 64kg. kinabukasan sa Tokyo International Forum.

“Of course, we’re all hoping to have another medal, a gold medal. But we have to temper our expectations from these athletes,” sabi ni Puentevella sa tubong Zamboanga City na si Diaz at sa pambato ng Cebu City na si Ando.

Ito ang ikaapat na su­nod na Olympics appearance ng 30-anyos na si Diaz matapos noong 2008 (Beijing, China), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil).

ELREEN ANN ANDO

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with