^

PSN Palaro

Ando todo-iwas sa COVID-19

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasalukuyan ngayong nakatira si Olympic Games-bound weightlifter Elreen Ann Ando sa isang hotel sa Cebu City.

Ito, ayon sa 22-anyos na si Ando, para makaiwas siya sa coronavirus disease (COVID-19) bago sumalang sa Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

“Sa bahay namin kasi ang daming tao doon kaya pinili ng coach ko na mag-hotel na lang muna kami,” wika ng Cebuana national weightlifter.

Magtutungo ang tropa ni Ando sa Tokyo sa Hul­yo 19 para magkaroon ng sapat na panahong makapaghanda sa weightlifting competition na magsisimula sa Hulyo 24 sa Tokyo International Forum.

Bubuksan ni Ando ang kanyang kampanya sa women’s -64 kilogram division sa Hulyo 27.

Si Ando ang ikalawang national weightlifter na lalahok sa Tokyo Olympics maliban kay 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

Samantala, isinama ng Philippine Sports Commission (PSC) si Ando sa mga Class A athletes na tumatanggap ng monthly allowance na P43,000.

“Malaki talaga iyong changes kasi dati iyong allowance ko parang saktung-sakto lang pambayad ng kuryente, pambili ng vitamins,” ani Ando.

ELREEN ANN ANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with