^

PSN Palaro

Spence puntiryang ma-KO si Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Spence puntiryang ma-KO si Pacquiao
Errol Spence Jr.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagyabang si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. na patutumbahin nito si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Spence, ilalabas nito ang lahat ng kanyang alas upang makuha ang matikas na knockout win laban kay Pacquiao sa kanilang bakbakan sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

Target ni Spence na pagretiruhin na sa boxing si Pacquiao.

“I meant to get as strong as I can to knock out Manny Pacquiao and send him off to retirement,” ani Spence sa panayam ng Barbershop Conversations.

Alam naman ni Spence na hindi birong kalaban ang Pinoy pug dahil malalim ang karanasan nito at nagtataglay ito ng mabagsik na kamao.

Nasilayan na ng buong mundo ang kakaibang bagsik ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban.

Subalit asahan din ang mas mabangis na Spence dahil mas malakas na puwersa ang ilalatag nito kumpara sa kanyang nakalipas na laban kontra kay Danny Garcia.

Matatandaang naitala ni Spence ang unanimous decision win laban kay Garcia noong Disyembre sa Arlington, Texas.

Subalit hindi kuntento ang boxing fans sa ipinakita ni Spence dahil mas mabagal ito kumpara sa kanyang dating laban.

Isa sa mga itinuturong dahilan ang car accident na kinasangkutan nito noong 2019 na posibleng may malaking epekto sa kanyang pangangatawan.

“I’m expecting the same Manny Pacquiao we see every time, and he’ll come to fight. I’ll be a lot stronger than (in) my previous fight (with Danny Garcia),” ani Spence.

Sa ngayon, magagaan na workouts muna ang pinagdadaanan ni Spence.

Magsisimula na ang pukpukang ensayo ni Spence sa Hunyo 21.

vuukle comment

ERROL SPENCE

MANNY PACQUIAO

WORLD BOXING COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with