^

PSN Palaro

Siquijor Mystics sibak sa VISMIN CUP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Siquijor Mystics sibak sa VISMIN CUP
Pilipinas VisMin Super Cup
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinipa ng pamunuan ng Pilipinas VisMin Super Cup ang Siquijor Mystics matapos ang kontrobersiyal na laro nito laban sa ARQ Builders-Lapu Lapu City kamakalawa.

Sa statement ni league Chief Operations Officer Rocky Chan, pinatalsik ang Mystics at hindi na magi-ging bahagi pa ng liga.

Kabilang sa mga mi-yembro ng Siquijor sina Joshua Alcober, Ryan Buenafe, Jojo Tangcay, Jan Penaflor, Gene Bellaza, Michael Calomot, Frederick Rodriguez, Jopet Quiro, Isagani Gooc, Miguel Castellano, Juan Aspiras, Peter Buenafe, at Michael Sereno.

Kasamang pinatawan ng parusa si head coach Joel Palapal at ang buong coaching staff nito.

Dahil dito, mabubura ang lahat ng rekord ng Siquijor kabilang ang kabi-guan nito sa KCS-Mandaue sa opening at ang panalo sa Dumaguete.

Anim na players naman ng Lapu-Lapu ang sinuspinde ng liga sa buong first round ng torneo kasama ang P15,000 multa bawat isa.

Ito ay sina Hercules Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Ferdinand Lusdoc at Dawn Ochea.

Suspendido naman si Rendell Senining sa buong season kalakip ang parehong P15,000 na multa.

Suspendido rin sa buong first round si head coach Francis Auquico at pinagmulta ng P30,000 habang ang assistant coaches na sina Jerry Abuyabor, Alex Cainglet, John Carlo Nuyles, Hamilton Tundag at Roger Justin Potpot ay may multang P20,000 bawat isa.

“This is a clear statement of Pilipinas VisMin Super Cup. Any delibe-rate actions that any of these teams or players is not tolerated in this league. If ginagawa niyo po ito sa ibang liga, huwag niyong gawin ito sa VisMin Super Cup. We are here to provide livelihood and promote sports tourism,” ani league COO Rocky Chan.

Binalaan din ng liga na papatawan ng expulsion at P1 milyong multa ang sinumang koponan na masasangkot sa kahinahinalang aksiyon sa mga susunod na laro.

Nagsimula ang lahat nang mapansin ng mga organizers ang ilang kuwestiyunableng tira sa laban ng Lapu-Lapu at Siquijor.

Napaulat na agad ipinatigil ang laro noong halftime kung saan ang iskor ay 27-13 pabor sa Lapu-Lapu.

Nakita sa mga kumalat na video clips na sadyang minimintis ng ilang players ang free throws habang isang player ang nakitang lantarang isinablay ang libreng layup.

Binalaan ng GAB ang mga players, coaches at officials na posibleng mawalan ng lisensya ang mga gumagawa ng kabalbalan.

“Officials, coaches, and players should act as professionals or lose their licenses. Shape up or ship out!” ani GAB chairman Baham Mitra.

VISMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with