^

PSN Palaro

Lanete pasok sa Shoot-out Challenge Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gamit ang malalim na karanasan, nagpasiklab si Chico Lanete upang makapasok sa finals ng FIBA 3x3 World Tour Doha Masters Shootout Challenge na ginaganap sa Al Gharafa Sports Complex sa Doha, Qatar.

Umabante sa finals si Lanete nang mangibabaw ito sa qualifying round ta­ngan ang walong puntos.

Naisalpak ng 41-anyos Pinoy cager ang walo sa 10 baskets.

Hindi maganda ang si­mula ni Lanete nang sumablay ito sa unang basket. Agad itong bumawi nang makuha ang dalawang sunod bago magtala ng panibagong sablay sa ikaapat na bola.

Ngunit isinalpak ni Lanete ang sumunod na anim na baskets para makuha ang unang puwesto sa qualifying.

Haharapin ni Lanete sa final round sina second seed Darius Tarvydas ng Saklai-Lithuania (7 points), third seed Steve Sir ng Edmonton-Canada (6 points) at fourth seed Filip Kramer ng Graz-Austria (5 points).

Hangad ni Lanete na masungkit ang Shootout Challenge title bilang pampalubag loob matapos masibak ang Manila Chooks TM sa 3x3 tournament proper.

Pumangalawa lamang ang Pinoy squad sa qualif­ying round nang magtala ito ng 1-1 rekord.

 Nasikwat ng Graz-Austria ang tiket sa main draw tangan ang malinis na 2-0 baraha.

CHICO LANETE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with