Gobert, Mitchell bumida sa Jazz vs Bulls
CHICAGO — Naghulog si guard Donovan Mitchell ng 30 points habang kumolekta si center Rudy Gobert ng 21 points, 10 rebounds at career-high 9 blocks para pamunuan ang Utah Jazz sa 120-95 pagsuwag sa Bulls.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Western Conference leaders na Utah (31-11) na nakahugot kina Joe Ingles, Fil-Am Jordan Clarkson at Mike Conley ng 17, 16 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Zach LaVine ang Chicago (19-23) sa kanyang 27 points.
Sa Milwaukee, kumolekta si guard Jrue Holiday ng 28 points at 14 assists at nalampasan ng Bucks (28-14) ang hindi paglalaro ni Giannis Antetokoumpo sa 140-113 pagdomina sa Indiana Pacers (19-23).
Sa Los Angeles, tumipa si Kawhi Leonard ng 25 points at may season-high 21 markers si Terance Mann para tapusin ng Clippers (28-16) ang eight-game winning streak ng Atlanta Hawks (22-21) mula sa 119-110 panalo.
Sa Houston, tinapos ng Rockets (12-30) ang kanilang 20-game losing slump nang kunin ang 117-99 tagumpay sa Toronto Raptors (17-26).
Sa Memphis, kumamada si Ja Morant ng 29 points para ilusot ang 132-126 overtime win ng Grizzlies (20-20) sa Boston Celtics (21-22).
Sa San Antonio, tumipa si Gordon Hayward ng 27 points habang may 24 markers si Terry Rozier sa 100-97 pagtakas ng Charlotte (21-21) sa Spurs (22-18).
- Latest