^

PSN Palaro

Nagkagulo ang social media: PVL kumpleto na!

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Hindi na maawat ang ingay na hatid ng volleyball fans dahil sa patuloy na pagsabog ng mga balita ukol sa Premier Volleyball League (PVL) nitong nakaraang Martes, ika-9 ng Marso. Nagkagulo sa social media nang mag-anunsiyo na ang Chery Tiggo at Sta. Lucia teams nang kanilang paglipat sa PVL.

Samantala, kasabay nang paglipat ng dalawang teams na ito ang pag-iingay ng fans na sumunod na umano ang F2 Logistics Cargo Movers na noon ay hindi pa nakakapagdesisyon. Marami ang nagpahiwatig ng kanilang opinyon ukol sa ikakaganda ng liga kung makiki-isa ang F2 sa mga lilipat na teams sa PVL.

Matapos ang dalawang araw na pananahimik, nitong Huwebes lang ay nagpahayag na ang F2 nang kumpirmasyon nito sa pagtugon na lumipat sa PVL. Lalong nagkagulo ang social media sapagkat ito ang pinakahihintay na balita ng volleyball fans™ at mga supporter. Kumpleto na ang PVL dahil sa kumpirmasyong ito ng F2.

Hindi na makapaghintay ang lahat sa muling paghaharap ng mga tanyag na manlalaro ng UAAP noon sa iisang professional league tulad nito. Habang wala pang UAAP, mukhang PVL muna ang pag-kakaabalahan ng mga manonood.

Malaki ang epekto ng pag-iisang ito para sa Philippine volleyball sapagkat higit na mapapalago at maiaangat ang larong minamahal ng lahat dahil magsasalpukan ang mga mahuhusay na manlalaro. Ang lebel ng paglalaro ay tataas pa. Sa paraan ding ito hindi na mahihirapan ang National Team sa pagkakasunod ng iskedyul ng bawat manlalaro sapagkat hindi na nahahati, hindi tulad noon na magkaiba ang iskedyul ng bawat ligang nilalaruan.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with