Garcia walang panama kay Pacquiao
Sabi ni Jeff Mayweather...
MANILA, Philippines — Hindi uubra si Ryan Garcia kay eight-division world champion Manny Pacquiao sa oras na matuloy ang kanilang salpukan.
Ito ang paniniwala ni Jeff Mayweather — ang tiyuhin at isa sa mga trainers ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.
Sinabi ni Jeff na magiging easy fight lang para kay Pacquiao ang Garcia fight.
Hangad lamang umano ni Garcia na makakuha ng malaking pay check kahit alam nitong wala itong panama sa isang boxing legend na si Pacquiao.
“I think that Ryan wants a big payday that’s all. He has no chance against Manny Pacquiao. I mean he’s gonna lose, but he’ll get paid if it happens, but I can’t see it happening,” ani Jeff sa YouTube channel ni Floyd.
Naamoy ni Jeff na may mas malaking laban na pinaghahandaan si Pacquiao — ang isang world title fight isa kina world champions Terence Crawford at Errol Spence Jr.
Alam ni Jeff na nais ni Pacquiao na magkaroon ng magarbong pagsasara ang kanyang boxing career kaya’t isa kina Crawford at Spence ang posibleng makalaban nito sa taong ito.
Nais umano ni Pacquiao na patunayan na kaya pa nitong makipagsabayan sa matitikas na boksingero sa welterweight division sa kabila ng kanyang edad na 42-anyos.
Wala naman itong binanggit kung nais pa ni Floyd makaharap si Pacquiao sa isang rematch.
- Latest