^

PSN Palaro

WQT sa boxing kanselado!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
WQT sa boxing kanselado!
Ricky Vargas
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kinansela ang World Qualifying Tournament ng boxing na nakatakda sana sa Mayo para sa Tokyo Olympics.

Pormal nang inihayag ng International Olympic Committee Boxing Task Force (BTF) ang anunsiyo kung saan idinahilan nito ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang BTF ang humahawak sa usapin sa boksing matapos suspendihin ng International Olympic Committe (IOC) ang International Boxing Association (AIBA) noong 2019.

Idaraos sana ang qualifying tournament sa Mayo sa Paris, France.

Para kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas, maa­aring maging bentahe ang kanselasyon ng qualifying tournament dahil ilang mi­yembro ng national boxing team ay may mataas na puwesto sa world ranking.

Posibleng pangalanan na lamang ng Task Force ang mga dagdag na qualifiers sa Tokyo Olympics base sa world ranking.

“This might prove be­neficial to our cause, since some of our boxers are ranked highly among those who have not yet qualified. I hope we get at least two more in Tokyo,” ani Vargas.

Nakatakdang sumalang ang tropa sa training camp sa Thailand bilang paghahanda hindi lamang sa  Olympic qualifying kundi maging sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

BTF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with