^

PSN Palaro

Obiena tatarget ng ginto sa Copernicus Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pupuntirya ng gold medal si 2021 Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang pagsabak sa Copernicus Cup sa Peb­rero 17 sa Torun, Poland.

Ilang araw lamang magpapahinga ang 6-foot-2 na si Obiena bago ang kanyang paglahok sa nasabing World Athletics Indoor Tour gold event.

Nanggaling ang national pole vaulter sa kampanya sa Orlen Cup Lodz sa Atlas Arena kung saan siya nagposte ng personal best na 5.86 metro para angkinin ang silver medal.

Kasabay nito ang pag­poste niya ng bagong Phi­lippine indoor pole vault record matapos burahin ang sariling national mark na 5.80m sa nakaraang ISTAF Berlin meet sa Germany.

“Mas gumanda iyong kanyang kumpiyansa sa larong ito,” ani national head coach Emerson O­biena, ang ama ng 2019 SEA  Games gold medalist

Pinaghahanda ni O­biena ang 2021 Olympics sa Tokyo, Japan na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

MEDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with