De Los Santos hataw agad ng ginto
MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni World No. 1 Orencio James De Los Santos ang taong 2021 matapos masungkit ang kanyang pambuenamanong gintong medalya sa 2021 Sportdata e-Tournament World Series #1 kahapon.
Muling inilabas ng 30-anyos Cebuano ang world-class performance nito para angkinin ang 25.3-24.5 panalo laban kay Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa kanyang championship match.
“First gold medal of the year 2021. I just concluded the 2021 Sportdata e-Tournament World Series #1, the most prestigious virtual karate tournament,” ani De Los Santos.
Nakasiguro si De Los Santos ng opening-round bye bago igupo sina Nicolas Perea ng France sa second round (24.9-23.0), Cornelius Johnsen ng Norway sa quarterfinals (24.5-23.1) at Napawon Pattanasakoo ng Germany (24.6-23.8).
Asahang bubuhos pa ang mga gintong medalya sa susunod na mga linggo dahl nakalinya na ang iba’t ibang online tournament na lalahukan ni De Los Santos.
- Latest