Back-to-back titles sa Zamboanga Valientes sa Australia tilt
MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng Zamboanga Valientes ang kanilang makasaysayang kampanya sa Australian basketball matapos talunin ang Clippers, 21-12, sa finals para pagharian ang CLB 3x3 tournament sa Bendigo City.
Ang Valientes ang unang Philippine team na nagkampeon sa Champions League Basketball sa Australia.
“We are dedicating this victory to Zamboanga and Zamboangueños all over the world,” sabi ni coach at team-co-owner Junnie Navarro, na naglaro para sa Zamboanga team na naghari sa unang NBA 3x3 competition sa bansa. “We proved we can excel against foreign competition in 3x3.”
Kasama ng Valientes sa Group A ang Clippers, South Sudan at Australia Ginger.
Ito ang ikalawang sunod na korona ng Valientes, binubuo nina Christopher Concepcion, Eric Miraflores, Duwom Dawan at Adam Kempton, na nanalo sa 3x3 Christmas Street Hustle sa Canberra noong Disyembre.
- Latest