^

PSN Palaro

Bubble training aprub kay Magno

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ni 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships at Southeast Asian Games gold medalist Nesthy Petecio, gusto rin ni 2021 Olympic Games-bound Irish Magno na pumasok sa isang ‘bubble’ training.

Kasalukuyang nagsasanay si Magno sa isang boxing gym sa Iloilo City para paghandaan ang pagsabak sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan.

“Payag naman po ako na may training bubble kami sa Laguna kasi sa totoo lang po gustung-gusto ko nang makapag-focus sa training kasama ang mga coaches ko para mapaghandaan namin nang husto iyong Olympics,” ani Magno sa pa­nayam ng Pilipino Star Ngayon.

Balak ng Philippine Sports Commission (PSC) na ipasok sa isang training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang mga Olympics-bound athletes at hopefuls.

Maliban kay Magno, nakapagbulsa na rin ng Olympic ticket sina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo.

AIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with