^

PSN Palaro

GAB ‘di mamimilit ng mga amateur at semi-pro leagues na maging professional

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
GAB ‘di mamimilit ng mga amateur at semi-pro leagues na maging professional
Baham Mitra
Baham Mitra FB Page

MANILA, Philippines — Hindi pipilitin ng Games and Amusement Board (GAB) ang mga atleta at liga sa bansa na maging propesyunal.

Ayon kay GAB chairman Abraham “Baham” Mitra, gusto lamang nilang buksan ang kanilang pintuan para sa mga gustong maging professional kagaya ng ginawa kamakailan ng Premier Volleyball League (PVL).

“We’re in no way forcing everybody to turn pro. Doon sa mga gustong magpatulong, you can go directly to us. There is no problem,” wika ni Mitra sa lingguhang TOPS: Usapang Sports webcast na live na mapapanod sa Sports on Air sa Facebook.

Bukod sa PVL, ang isa pang ligang naging professional ngayong taong ay ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3.

“Naiintriga na kami kasi they’re accusing us of expanding. Para sa kaalaman ng lahat, P140 million lamang po ang budget namin and we are just here to follow our mandate and assist on things that we can do for everyone na lumalapit sa amin,” wika ni Mitra.

Sinabi naman ni GAB safety officer Kara Mallonga na hindi sila dapat ituring na isang hadlang o kontrabida ng mga amateur at semi-professional sports na patuloy na hindi nakakapagpatuloy ng paglalaro dahil sa hindi pa rin napapasailalim ng professional licensing.

BAHAM MITRA

GAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with