^

PSN Palaro

Tropang giga hiniya ang elite

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tropang giga hiniya ang elite
TnT Tropang Giga head coach Bong Ravena
PBA Images

Ang tikas pa rin!

MANILA, Philippines  — Maski nasa loob ng PBA ‘bubble’ ay malakas pa rin ang signal ng TNT Katropa.

Inilista ng Tropang Giga ang kanilang pang-limang dikit na panalo matapos patumbahin ang Blackwater  Elite, 109-96, 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Inilista ng TNT Katropa ang kanilang 5-0 record kahit ipinahinga ni coach Bong Ravena si star guard Jayson Castro at inihulog ang Blackwater sa 2-3.

Kumolekta si guard RR Pogoy ng 20 points, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals para igiya ang TNT Katropa sa pagtatayo ng 5-0 record.

“Very important factor is iyong recovery,” sabi ni coach Ravena sa pagpapahinga niya kay Castro. “We really have to be vigilant of their condition. Kailangan monitored lagi.”

Itinayo ng Tropang Giga ang 49-33 bentahe sa 8:12 minuto ng second quarter hanggang ibaon ang Elite sa 66-49 sa pagbungad ng third period mula sa three-point shot ni Simon Enciso.

Naprotektahan ng TNT Katropa ang nasabing double-digit lead hanggang sa final canto kung saan nila iniwanan ang Blackwater sa 102-81 sa 5:03 minuto nito.

Binanderahan ni Don Trollano ang Elite sa kanyang 23 points  habang may 16 at 12 markers sina Mac Belo at Mike Tolomia, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, target ng Meralco (2-2) at NLEX (1-3) ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo sa banggaan nila ngayong alas-4 ng hapon habang magtatagpo ang Magnolia (1-3) at Phoenix (2-2) sa alas-6:45 ng gabi.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with