^

PSN Palaro

De Los Santos ginto na naman sa E-Karate

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
De Los Santos ginto na naman sa E-Karate
OJ Delos Santos
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuloy ang pananalasa ni world No. 2 Orencio James De Los Santos matapos masungkit ang gintong medalya sa men’s seniors shotokan kata division ng E-Karate Games 2020 online tournament kahapon.

Nasikwat ni De Los Santos ang kampeonato nang itala nito ang impresibong 25.9 puntos laban kay Nejc Sternisa ng Slovenia na nagrehistro naman ng 23.4 puntos sa finals.

Ito ang ikalimang gintong medalya ni De Los Santos sa online karate tournament kasama pa ang dalawang pilak at  isang tansong medalya.

Nakapasok sa gold-medal round si De Los Santos nang patumbahin nito sina Jamie Parfitt ng Great Britain sa iskor na 25.1-20.4 sa quarterfinals at Hossein Tani ng Iran sa pamamagitan naman ng dikit na 25.5-24.3 panalo sa semifinals.

Malaking panalo ito para kay De Los Santos upang mapalakas ang kanyang tsansa na makuha ang No. 1 spot sa world ranking na kasalukuyang hawak ni E­duardo Garcia ng Portugal.

“This tournament will add points to the virtual kata world rankings. The journey to No. 1 is a long road, but I’m not stopping. Thank you God for the opportunity and keeping healthy and safe,” ani De Los Santos sa kanyang Instagram post.

Ginagabayan si De Los Santos ni Japanese coach Masa Saito sa tulong ni sensei Kasuo Saito.

“Thank you to my coach and conditioning coach. Keep the fire burning,” dagdag ni De Los Santos.

Kamakailan lamang ay bumanat din ng gintong medalya si De Los Santos sa Athletes’ E-Tournament Series kung saan tinalo nito si Garcia sa finals.

Nagkampeon din si De Los Santos sa Balkan Open E-Tournament, E-Tournament Korokota Cup 2020 at sa Palestine International Karate Cup.

OJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with