^

PSN Palaro

3 PFL teams balik-ensayo na

Russell Cdayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Tatlong koponan ng Philippine Football League (PFL) ang nakatakdang bumalik sa kanilang trai­ning at conditioning nga­yong araw sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite.

Ito, ayon kay PFL Commissioner Coco Torre, ay ang City United, Kaya at Stallion.

Nauna nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PFL, Phi­lippine Basketball Association (PBA) at national 3x3 men’s basketball team na magbalik sa kanilang trai­ning at conditioning sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ay sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

“It’s not only one pitch we’re looking at kasi ayon sa IATF (Inter-Agency Task Force) iyong training under the GCQ (General Community Quarantine) will be five lang in a training venue. Sa football naman it’s not only five ang players. It’s 11, so we need a bigger trai­ning facility,” wika ni Torre.

Nanatili ang mga PFL teams sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite na siya na rin nilang gagamiting venue para sa torneo.

Sumailalim na rin ang mga PFL squad sa swab tests noong Hunyo.

“Itong ginagawa namin amidst the pandemic to resume training, and pinaka-importante talaga rito is sundin ‘yung instructions because each and everbody ‘yung cooperation nila is vital to what we’re trying to achieve,” dagdag ni Torre.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with