^

PSN Palaro

Duncan role model para kay Sotto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Duncan role model para kay Sotto
Duncan
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maraming nakikita si Kai Sotto na magandang ehemplong nais nitong tularan sa oras na simulan nito ang pag-arangkada sa NBA G League o kung papalarin sa mismong NBA.

Maraming iniidolo ang 7-foot-2 na dating UAAP Juniors MVP kabilang na si LeBron James ng Los Angeles Lakers.

Inihahalintulad pa ito kay Nikola Jokic ng Denver Nuggets na isa rin sa inirerespeto ni Sotto sa NBA world.

Ngunit higit na hina­hangaan ni Sotto si dating San Antonio Spurs star Tim Duncan na kasalukuyan nang miyembro ng c­oaching staff ng Spurs.

“The top player that I really look up to is Tim Duncan,” wika ni Sotto.

Puring-puri ni Sotto ang magandang pag-uugali ni Duncan sa loob at labas ng court.

Isang magandang halim­bawa si Duncan na para kay Sotto ay dapat tularan.

May mga pagkakatulad din ang kanilang pag-uugali kaya’t nabanggit ni Sotto ang pangalan ni Duncan.

Sa kanyang karera sa NBA, sinabi ni Sotto na hindi ito mahilig sa trash talk at bibihira itong nakikitang nagrereklamo — bagay na bihira ring makita sa Pinoy cager noong naglalaro pa ito para sa Ateneo Blue Eaglets sa UAAP at sa mga FIBA juniors tournaments.

Nais ni Sotto na gayahin si Duncan na itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na NBA player.

May limang NBA titles ito, dalawang MVP awards at tatlong NBA Finals MVP awards.

“Seeing Tim Duncan, he’s always locked in and he’s a winner and that’s what I want to be,” dagdag ni Sotto.

vuukle comment

DUNCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with