^

PSN Palaro

Arnis ipipilit sa Vietnam SEA Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Arnis ipipilit sa Vietnam SEA Games
Isa si Crisamuel Delfin na naka-gold sa 2019 SEAG

MANILA, Philippines — Aminado si Philippine Eskrima Kali Arnis Fe­deration (PEKAF) president Sen. Migz Zubiri na daraan sa butas ng karayom bago maipasok ang arnis sa 2021 Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.

Subalit hindi nawawalan ng pag-asa si Zubiri.

At handa ito na gawin ang lahat upang maibalik sa kalendaryo ang arnis na isa sa pangunahing pinagkunan ng gintong medalya ng Pilipinas noong 2019 edisyon ng biennial meet sa Maynila.

“Madugo ito dahil kailangan talagang man-to-man ang lobbying para mapasama ‘yung arnis sa Vietnam SEA Games but I’m hopeful,” ani Zubiri.

Sumulat na si Zubiri sa Vietnam para idagdag ang arnis sa kalendaryo.

Naniniwala si Zubiri na malaki ang potensiyal ng Vietnam sa arnis.

“I wrote the head of sports in Vietnam, appea­ling the inclusion of arnis and without further explanation reminding them that they are powerhouse and could also be an overall champion in arnis,” ani Zubiri.

Ikinuwento ni Zubiri na posibleng dahilan ng pagkakasibak ng arnis ang hindi pagpayag ng Pilipinas na mapasama ang vovinam sa 2019 SEA Games.

Ang vovinam ay isang Vietnamese martial arts.

Nais lamang ng Pilipinas na gawin itong demo sports ngunit hindi puma­yag ang Vietnam na gusto itong gawing regular sports noong Manila SEA Games.

“Nag-umpisa ‘yan kasi hindi natin naisama ‘yung vovinam ‘yung kanilang martial arts nung last SEA Games. (Siguro) nagtampo sila. Gusto ng Phisgoc na demo sports sila pero hindi pumayag ang Vietnam,” ani Zubiri.

Sa 20 gold medals na nakataya  noong 2019 SEA Games, 14 ang gintong medalyang nasungkit ng Pinoy squad para tulungan ang Pilipinas na maibulsa ang overall championship crown.

Sa ngayon, may 36 sports lamang ang apru­bado ng Vietnam SEA Games organizing committee.

ARNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with