^

PSN Palaro

Tabal umaasang mae-extend ang mga Olympic qualifying

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tabal umaasang mae-extend ang mga Olympic qualifying
Mary Joy Tabal

MANILA, Philippines — Apat na buwan nang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

At walang magawa si marathon queen Mary Joy Tabal kundi ang magpa­kondisyon sa kanyang ta­hanan sa Barangay Guba, Cebu City sa ha­ngaring makasikwat ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Nasa bahay lang ako at tuloy pa rin ‘yung daily routine ko,” wika ni Tabal sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour. “I need a big space kung magro-road run ako at mag-track workout ako. Pero lahat ay close pa.”

“I have to really maximize my time running on a threadmill. Nakakatakbo pa rin naman ako dito,” dagdag pa ng 2017 Southeast Asian Games gold medalist.

Umaasa si Tabal, nagdiwang kahapon ng kanyang ika-31 kaarawan, na makakapitas siya ng Olympic berth kagaya nina pole vaulter Ernest John Obiena, Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

“Sana ‘yung mga qualifying sa marathon ma-extend din next year for me to try to qualify again,” sabi ni Tabal, tumapos bilang ika-124 noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Naglatag ang IAAF World Athletics ng dual qualification process -- ang qualifying standard at world ranking system para sa 2021 Tokyo Olympics.

Ang Olympic qualifying mark para sa women’s 42K ay 2:29:30 na malayo sa personal best na 2:43:29 ni Tabal.

Samantala, binuksan ni Tabal, ang four-time Milo National Marathon champion, ang “Queen Mary’s Kitchen” sa kanyang ta­hanan noong Hunyo 21.

Mismong si Tabal ang nagluluto ng kanyang itinitindang muffins at iba pang desserts.

MARY JOY TABAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with