Bernaldez bigo!
MANILA, Philippines — Bigo si super-featherweight Mark Bernaldez matapos ang unanimous decision loss kay undefeated American fighter Albert Bell kahapon sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.
Ginamit ni Bell ang kanyang height advantage upang dominahin ang Pinoy pug sa buong panahon ng laban.
Malayo ang agwat nina Bell at Bernaldez.
May taas na 6-foot-0 si Bell at 73-inch na reach habang 5-foot-6 lamang si Bernaldez na may 66-inch na reach.
Pare-parehong nagbigay ang mga huradong sina Tim Cheatham, Max DeLuca at Richard Ocasio ng 100-90 iskor pabor lahat sa American boxer.
Umangat si Bell sa impresibong 17-0 baraha kasama ang limang knockouts.
Bagsak naman si Bernaldez sa 20-4-0 kabilang ang 14 knockouts.
Bigo si Bernaldez na masundan ang impresibong upset win ni Mike Plania kay World Boxing Organization (WBO) ranked No. 1 Joshua Greer noong nakaraang linggo.
- Latest