^

PSN Palaro

Barroga out na sa Cignal

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Wala nang masisila­yang Edgar Barroga sa coaching staff ng Cignal HD Spikers sa oras na magbalik-aksyon na ang Philippine Superliga.

Nagdesisyon ang pamunuan ng HD Spikers na huwag nang i-renew ang kontrata nito matapos ang dalawang taong paghawak sa koponan.

Nagpasalamat naman ang buong Cignal sa matagal na panahong ding pagiging kapamilya ni Barroga.

“Team Awesome is forever grateful for your mentorship and everything you have done for our team. Wishing you the best of luck, Coach Edgar,” ayon sa statement ng Cignal.

Wala pang opisyal na anunsiyo ang HD Spikers kung sino ang papalit sa puwesto ni Barroga.

Ngunit maugong ang pangalan ni Shaq delos Santos na kasalukuyang miyembro ng coaching staff ng Cignal.

Noong Enero, kinuha ng HD Spikers si Delos Santos na dating head coach ng multi-titled Petron Blaze Spikers.

Sa ilalim ni Barroga, pinakamataas na puwes­tong naibigay nito sa HD Spikers ang runner-up fi­nish nito sa 2019 PSL All-Filipino Conference.

Nakapasok sa finals ang Cignal matapos gulantangin ang Petron sa semifinals.

Ngunit bigong masikwat ng HD Spikers ang korona makaraang yumuko ito sa F2 Logistics sa finals.

Maliban sa silver finish, nakakuha rin ang Cignal ng tanso sa 2018 Invitational Cup at 2019 Invitational Cup.

Sa kabuuan, may isang titulo na ang Cignal sa PSL nang tanghalin itong co-champion sa Invitational Cup noong 2017 edisyon.

vuukle comment

EDGAR BARROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with