^

PSN Palaro

6 tinamaan ng COVID-19 sa Premier League

Pilipino Star Ngayon

ENGLAND -- Inihayag kahapon ng Premier League na anim na tao mula sa tatlong football clubs ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa 748 samples.

Ginawa ang novel coronavirus tests noong Linggo at Lunes bago ang pagbabalik ng maliliit na group training.

Sinabi ng Burnley na isa ang kanilang assistant coach na si Ian Watford sa anim na nagpositibo sa COVID-19 at sasailalim sa isang self-isolation sa loob ng pitong araw bilang pagsunod sa Premier League guidelines.

Noong Lunes ay nagbotohan ang Premier League para payagan ang mga football clubs na simulan ang small group, non-contact training.

Magdedesisyon ang liga sa susunod na linggo kung papayagan ang contact trai­ning matapos madiskaril ang pagbubukas ng kanilang liga noong Marso 13.

vuukle comment

PREMIER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with