Depensa sasandalan ng Hotshots
Sa PBA Philippine Cup
MANILA, Philippines — Minsan pang napanatunayan na ang matinding depensa ang magbibigay sa isang koponan ng kampeonato.
At ito ang pinaniniwalaan ni Magnolia head coach Chito Victolero sa kanilang kampanya sa 2020 PBA Philippine Cup, sinuspindi noong Marso 11 dahil sa enhanced community quarantine bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ang 42-anyos na si Rafi Reavis at ang 38-anyos na si Marc Pingris ang muling babandera sa depensa ng Hotshots para sa torneo.
“Ping and Rafi anchor our defense,” wika ni Victolero sa kanyang dalawang veteran bigmen na makakatuwang nina Ian Sangalang, Paul Lee, Jackson Corpuz, Jio Jalalon, Mark Barroca, Romeo dela Rosa at Justin Melton. “They’re capable of playing defense and offense.”
Sina Lee, Barroca, Jalalon, Dela Rosa at Melton ang hinuhugutan ni Victolero ng depensa sa backcourt.
“They take note that we have too many guards, but we can never have enough because of our defensive system,” wika ni Victolero. “We want backcourt pressure kaya ang palitan, sometimes, two at a time.”
Sa pagbubukas ng 2020 PBA Philippine Cup noong Marso 8 ay tinalo ng five-time champions na San Miguel ang Magnolia, 94-78.
Wala pang desisyon ang PBA Board kung kailan ibabalik ang mga aksyon sa season-opening confe-rence dahil sa COVID-19.
- Latest