^

PSN Palaro

Smart, 3 pang NBA players magdo-donate ng dugo

Pilipino Star Ngayon

Para masugpo ang virus

BOSTON -- Sinabi kahapon ni Celtics guard Marcus Smart, nauna nang inihayag na wala na siyang coronavirus disease (COVID-19), na plano niyang mag-donate ng dugo.

Ito ay para magamit ang kanyang dugo sa pagsusuri sa paghahanap ng gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay Michael Joyner, isang anesthe­siologist sa Mayo Clinic, na apat pang NBA players na nakarekober mula sa infection ang balak mag-donate ng dugo sa National COVID-19 Convalescent Plasma Project para sa isang experimental treatment na makakatulong sa mga high-risk patients na makaligtas sa nasabing virus.

Kinumpirma ni Smart na siya ang isa sa nasabing apat na players na planong mag-donate ng kanilang dugo.

Ang mga NBA players ay maaaring maging mahalagang plasma donors.

“These are big men with blood volumes, and as a result they have a lot of plasma volume,” wika ni Joyner.

“Frequently people who are physically trained also have an increase in their plasma volume from what you would expect from them just being regular-sized guys,” dagdag pa nito.

CELTICS

MARCUS SMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->