^

PSN Palaro

Bagong kontrata sa Japan nakaabang kay Bagunas Chris Co

Pilipino Star Ngayon
Bagong kontrata sa Japan nakaabang kay Bagunas  Chris Co
Bryan Bagunas

MANILA , Philippines — Muling masisilayan si dating UAAP MVP Bryan Bagunas sa aksiyon sa Japan Volleyball Premier League dahil panibagong kon­trata ang ibibigay sa kanya ng Japanese club team na Oita Miyoshi.

Ito ang isiniwalat ni Ba­gu­nas matapos magsilbing import ng Oita Miyoshi sa nakalipas na 2019 season.

“Sinabi sa akin ng team na kuk

unin nila ulit ako so next season nandoon ulit ako sa Japan. Marami akong natutunan sa Japan na gusto ko rin sanang i-share sa Pilipinas lalo na sa national team,” ani Ba­gunas na ginawaran ng Mr. Volleyball award sa PSA Awards Night.

Masaya rin si Bagunas dahil pinahihintulutan ito ng kanyang club team na bumalik sa Pilipinas sa­kaling kailanganin nitong maging miyembro ng natio­nal team.

Nakapaglaro si Bagu­nas sa national squad no­ong 2019 Southeast Asian Games sa Maynila kung saan nasungkit ng mga Pinoy Spikers ang pilak na medalya.

“Thankful ako dahil na­pakabait ng owner ng team. Sinabi niya na pa­pa­yagan daw niya ako mag­laro basta may league ang national team,” ani Ba­gunas.

Ilan sa mga lalahukan ng national team ang 2020 Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Abril at ang 2020 AVC Cup sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Agosto.

“Iba talaga ang trai­ning sa Japan. Sobrang di­siplinado nila, marami ka ta­la­gang matututunan lalo na sa techniques sa volleyball,” ani Bagunas.

BRYAN BAGUNAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with