^

PSN Palaro

Lahat may tsansang mapalaban sa titulo!

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lahat may tsansang mapalaban sa titulo!
Nasa larawan ang mga team captain at import ng bawat koponang lalahok sa Philipine Superliga Grand Prix na magbubukas sa Pebrero 29 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagkakaisang pananaw ng mga coaches

MANILA, Philippines — Handang handa na ang walong koponan sa pagbubukas ng 2020 Phi­lippine Superliga Grand Prix ngayong Pebrero 29 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Bunga ng nangyaring pagbabago sa line-up ng nagdedepensang Petron Blaze Spikers--iisa ang kanilang sinasabi--lahat ay may tsansang mapalaban sa titulo.

Bukod kay dating head coach Shaq Delos Santos na pinalitan ni coach Emil Lontoc, kasama ring nawala sa Blaze Spi­kers sina Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Chloe Cortez, Carmela Tunay at Denden Lazaro.

Pumasok naman sina Filipino-Canadian playmaker Rebecca Rivera, Ging Balse, Roselle Baliton at Jem Gutierrez sa Blaze Spikers kasama ang mga datihang sina Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina at explosive import Kathe­rine Bell.

“The team is a perennial title contender. This time, we will try our best to get back to the championship,” pahayag ni Lontoc sa press launch kahapon sa Eurotel sa Makati City.

“Of course, many are saying that we had a total revamp in the off-season. But I still believe in the system that we have. It all boils down to our execution,” dagdag ni Lontoc.

Nananatili ring intact  ang roster ng F2 Logistics Cargo Mo­vers na pangu­ngunahan nina import Li­nd­­say Stalzer,  Aby Maraño, Dawn Macandili, Majoy Baron at Kianna Dy.

Ang bagong koponan na Chery Tiggo ay babanderahan naman nina My­lene Paat, Jasmine Nabor,  Shaya Adorador, Elaine Kasilag, Rachel Anne Austero at Gyselle Sy kasama ang import na si Tatjana Bokan.

Sa Cignal ay kasama pa rin sina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Cherry Vivas, Fiola Ceballos at Alohi Robins-Hardy habang si Reyes, Bang Pineda, Djanel Cheng at import Shaina Josepha sa Sta. Lucia.

“We always say that Petron is the team-to-beat. Our mentality is always the same: To make it to the finals and get the championship. Still, this is a big opportunity and we will grab it,” ayon kay F2 Logistics coach Noel Orcullo.

Ang iba pang kasa­ling koponan ay ang Marinerang Pilipina, PLDT Home Fibr at Generika-Ayala.

PETRON BLAZE SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with