^

PSN Palaro

Sa kabila ng kontrata sa PBC Pagpirma sa PSM walang problema -- Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi problema ang pagpirma sa Paradigm Sports Management (PSM) kahit na nasa Premier Bo­xing Champions (PBC) ito.

Ito ang tiniyak ni Manny Pacquiao matapos ang alingasngas sa usaping legal dahil kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng PBC si Pacquiao bago lumagda ng kasunduan sa PSM kamakalawa.

Nilinaw ng eight-division world champion na walang magiging aberya dahil magkaiba ang magiging papel ng dalawang grupo sa kanyang boxing career.

Tututok ang PSM sa management ng kanyang karera sa industriya habang ang PBC naman ang hahawak ng promotion ng kanyang mga laban.

“Wala namang (problema) dahil management naman itong PSM. Nasa PBC pa rin ako,” paglilinaw ni Pacquiao. Ang PSM ang promotional team ni MMA  superstar Conor McGregor.

Kaya naman agad na umugong ang usap-usapan sa posibleng paghaharap ni Pacquiao at McGregor sa isang mega fight.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight belt habang ga­ling naman sa matagumpay na technical knockout win kay Donald Cerrone si McGregor sa UFC 246 noong Enero 18 sa Las Vegas, Nevada.

Mismong si Pacquiao na ang nagpahayag na target nitong magbalik sa ibabaw ng ring sa Hunyo o Hulyo.

vuukle comment

PARADIGM SPORTS MANAGEMENT

PREMIER BO­XING CHAMPIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with