Philippine women’s team sibak sa Badminton Asia
MANILA, Philippines — Nalasap ng Philippine national women’s team ang ikalawang sunod na kabiguan matapos yumukod sa Indonesia, 0-5, kahapon sa 2020 Badminton Asia Manila Team Championships Group Y sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa kanilang pagkatalo ay natapos ang pag-asa ng mga Pinay shuttlers na makapasok sa quarterfinal round sa 0-2 kartada.
Bigo rin ang national women’s squad sa Thailand, 0-5, sa unang araw.
Yumukod si Airah Mae Nicole Albo kay Gregoria Mariska Tunjung, 21-19, 21-11, 21-9, habang natalo si Maria Bianca Carlos kay Ruselli Hartawan, 18-17, 10-21, 18-21, sa singles.
Sa doubles match ay dinispatsa rin nina Greysia Polii at Apriyani Rahayu ang Pinay duo na sina Alyssa Yasbel Leonardo at Thea Marie Pomar, 21-18, 21-12, para sa 3-0 bentahe ng Indonesia.
Nagwagi sina Siti Fadia Ramadhanti at Ribka Sugiarto laban nina Geva De Vera at Chanelle Lunod, 21-7, 21-8 sa ikalawang doubles match.
- Latest