Wiggins ibinigay ng Wolves sa Warriors kapalit ni Russell
SAN FRANCISCO -- Nakuha ng Minnesota Timberwolves ang kanilang gustong kapareha ni center Karl-Anthony Towns, habang pinalakas naman ng Golden State Warriors ang kanilang wing position.
Ibinigay ng Warriors si guard D’Angelo Russell sa Timberwolves kapalit ni forward Andrew Wiggins.
Nakuha rin ng Golden State ang 2021 protected first-round draft pick at isang 2021 second-round pick ng Minnesota, nahugot sina Jacob Evans at Omari Spellman.
Matagal nang naghahanap ang Timberwolves ng point guard na itatambal kay Towns, at ito ay nasagot sa pagdating ni Russell, ang No. 2 overall pick noong 2015 draft matapos si Towns.
Kumamada ang 23-anyos na si Russell ng average na career-high 23.6 points per game sa una niyang season sa Golden State, nakipag-trade sa Brooklyn Nets at binitawan si Kevin Durant noong Hulyo.
Si Wiggins ang first overall pick ng Cavaliers noong 2014 ngunit naging bahagi ng blockbuster trade na nagdala kay Kevin Love sa Cleveland.
Kumamada ng mga averages na 22.4 points at 5.2 rebounds per game si Wiggins para sa Timberwolves.
Samantala, ibibigay ng Detroit Pistons si rebounding king Andre Drummond sa Cavaliers sa inaayos na trade.
- Latest