^

PSN Palaro

3 teams agawan sa krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3 teams agawan sa krusyal na panalo
Magtutuos ang Lyceum of the Philippines University at Mapua University sa alas-12 ng tanghali habang maghaharap naman ang San Sebastian College-Recoletos at Emilio Aguinaldo College sa alas-2.

MANILA, Philippines — Tatlong koponan ang nag-aasam ng krusyal na panalo para makahabol sa Final Four race sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lyceum of the Philippines University at Mapua University sa alas-12 ng tanghali habang maghaharap naman ang San Sebastian College-Recoletos at Emilio Aguinaldo College sa alas-2.

Sa apat na maglalaro, tanging ang Lady Pirates (2-4), Lady Cardinals (1-5) at Lady Stags (1-5) na lamang ang may pag-asang makapasok sa semis habang sibak na ang Lady Generals na walang panalo sa anim na laro.

Ngunit wala nang puwang ang anumang pagkakamali para sa Lyceum, Mapua at San Sebastian dahil pumupuwesto na sa tuktok ng standings ang College of Saint Benilde (6-0), reigning champion Arellano University (6-1), University of Perpetual Help System Dalta (5-1) at San Beda University (4-2).

Nakaharang pa ang Colegio de San Juan de Letran (3-3) at Jose Rizal University (3-4) sa No. 5 at No. 6 spots.

Kaya naman kakayod ng husto ang Lyceum, Mapua at San Sebastian para makahabol sa karera.

Nais ng Lady Pirates na makabawi sa 28-26, 25-27, 25-16, 19-25, 14-16 kabiguan nito sa Lady Knights noong Biyernes kung saan aasahan ng tropa sina Alexandra Rafael, Monica Sevilla, Ciarnelle Wanta at Mary Joy Onofre.

Umaasa naman ang Mapua na makakabangon ito sa four-game losing streak kasama ang 18-25, 18-25, 29-31 pagyuko sa Jose Rizal.

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

MAPUA UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with