^

PSN Palaro

James naging emosyunal sa tribute para kay Bryant

Pilipino Star Ngayon
James naging emosyunal sa tribute para kay Bryant
Ang umiiyak na si LeBron James kasama ang mga Lakers players habang pinapanood ang video tribute kay Kobe Bryant sa Staples Center.

LOS ANGELES -- Isang maluha-luhang Le­Bron James ang nagsalita sa Staples Center crowd sa loob ng apat na minuto ba­go labanan ng kanyang Lakers ang bisitang Portland Trail Blazers.

Binasa ni James ang pa­ngalan ng siyam na biktima, kabilang sina Kobe Bryant at anak nitong si Gianna, sa helicopter crash no­ong nakaraang Linggo.

Matapos ito ay itinapon ni James sa sahig ang pa­pel para sa kanyang ini­handang talumpati at si­nabing “go straight from the heart.”

“I know at some point we will have a memorial for Kobe,” wika ni James, umiyak nang kantahin ng bandang Boyz II Men ang na­tional anthem bago siya nagsalita. “But I look at this as a celebration tonight.”

“The one thing that we always shared was that de­termination to just always want to win and just want to be great,. The fact that I’m here now means so much to me. I want to continue along with my teammates, to continue his legacy, not only for this year, but for as long as we can play the game of basketball that we love because that’s what Kobe Bryant would want,” dagdag pa nito.

Lalo pa itong nagdulot ng emosyon sa nasabing pre­game ceremony na nag­­tampok din sa kinantang “Amazing Grace” ni mu­­sic artist Usher.

Nagsigawan ang mga fans ng “M-V-P, M-V-P” pa­ra kay Bryant kasunod ang “Gi-gi, Gi-gi” para kay Gianna.

Ipinakilala ni Lakers pub­lic-address announcer Law­rence Tanter ang limang miyembro ng star­ting lineup ng Lakers sa pa­mamagitan ng “No. 24, 6-6, 20th year, from Lo­wer Merion High School, Kooobee Bryant.”

Inilagay ang mga jersey nina Bryant (No. 24) at Gianna (No. 2) sa kanilang mga silyang inupuan halos isang buwan matapos manood sa Staples Center.

Samantala, tinalo ng Bla­­zers ang Lakers, 127-119, sa likod ng 48 points ni Damian Lillard.

Tumapos si James na may 22 points, 10 assists at 8 rebounds at kumolek­ta si Anthony Davis ng 37 points at 15 boards para sa La­kers.

Sa Milwaukee, nagtala  si Will Barton ng 24 points pa­ra akayin ang Denver Nuggets sa 127-115 pananaig sa Bucks.

Nagdagdag si Malik Beasley ng 16 points para sa Nuggets kasunod ang tig-15 markers nina Nikola Jokic at Michael Porter Jr.

Nagtala si Giannis An­te­tokounmpo ng 31 points para sa Bucks.

Sa Houston, kumamada si James Harden ng 35 points at may 32 markers si Russell Westbrook para sa 128-121 panalo ng Roc­kets sa Dallas Mavericks.

KOBE BRYANT

STAPLES CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with