^

PSN Palaro

Lady Blazers sumosyo uli sa unahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng College of Saint Benilde ang San Sebastian College-Recoletos, 25-18, 25-13, 25-17, para muling makisalo sa No. 1 spot kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Lady Blazers sina veteran wing spikers Marites Pablo at Klarisa Abriam para masikwat ng Taft-based squad ang ikalimang sunod na panalo at samahan ang nagdedepensang Arellano University (5-0) sa unahan ng standings.

Nagbaon si Pablo ng walong attacks, dalawang aces at isang block habang kumana naman si Abriam ng 10 puntos para manduhan ang atake ng Lady Blazers.

“Ang target namin makuha yung No. 1 or No. 2 after ng elimination round. Maganda ang laro ng team, consistent lang kami sa mga ginagawa namin,” ani Benilde assistant coach Jay Chua.

Nagtala naman si rookie Gayle Pascual ng walong puntos habang may pinagsamang 11 markers sina Jade Gentapa at Chelsea Umali.

Sa unang laro, pinasuko ng Lyceum of the Philippines University ang Emilio Aguinaldo College (EAC), 25-18, 25-17, 25-15, para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa limang laro.

Bida si Mary Joy Onofre na bumanat ng 13 puntos katuwang sina Monica Sevilla na may 11 puntos at Alexandra Rafael na may 10 puntos para sa Lady Pirates.

Nahulog sa 0-5 ang Lady Generals.

NCAA SEASON 95

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with