^

PSN Palaro

Kerr at Portis pinagmulta

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Pinagmulta ng NBA si Golden State Warriors coach Steve Kerr ng $25,000 (ha­los P1.2 milyon) dahil sa paninigaw sa referee at ka­biguang umalis ng court sa maayos na paraan ma­tapos ang ejection.

Napatalsik si Kerr sa se­cond quarter ng 98-111 road loss ng Warriors laban sa Sacramento Kings no­ong Lunes matapos ang magkasunod na itinawag sa kanyang technical fouls ni referee Jason Goldenberg.

Inireklamo ni Kerr ang isang continuation call na pumabor sa Kings at nag­wa­la nang hindi makuha ang nasabing tawag sa panig ng Warriors.

Samantala, pinatawan ng NBA si Knicks forward-center Bobby Portis ng $25,000 (halos P1.2 mil­yon) dahil sa kanyang pagbangga sa nasa ereng si Los Angeles Lakers guard Kentavious Caldwell-Pope.

Tinawagan si Portis ng Flagrant Foul 2 at kaagad si­nibak sa laro sa 117-87 pa­nalo ng Lakers laban sa Knicks noong Martes.

BOBBY PORTIS

STEVE KERR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with