Rose itinakas ang Pistons
CLEVELAND -- Isinalpak ni Derrick Rose ang isang 15-footer sa huling 27 segundo para itakas ang Detroit Pistons laban sa Cavaliers, 115-113.
Kumonekta si Rose, tumapos na may 24 points, ng isang runner para ibigay sa Detroit ang 114-113 abante para kumpletuhin ang kanilang pagbangon mula sa 91-110 pagkakabaon sa fourth quarter.
Tumipa si Andre Drummond ng isang free throw sa nalalabing 1.6 segundo para sa two-point lead ng Pistons at tinapik ang pasa ni Kevin Love para kay Tristan Thompson sa huling posesyon ng Cavaliers.
Sa Toronto, naipasok ni Carmelo Anthony ang kanyang winning basket sa huling apat na segundo para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 101-99 paglusot sa Raptors.
Nagtala si Anthony ng 28 points habang may 20 markers si Damian Lillard at naglista si Hassan Whiteside ng 14 points at 16 rebounds para sa Portland na tinapos ang four-game losing skid sa Toronto.
Nagdagdag si Anfernee Simons ng 12 points kasunod ang 10 markers ni C.J. McCollum.
Sa New York, humugot si Chris Paul ng 20 sa kanyang 28 points sa fourth quarter at overtime para ihatid ang Oklahoma City Thunder sa 111-103 paggupo sa Brooklyn Nets.
Nagtabla ang iskor sa 103-103 bago umiskor si Paul ng magkasunod na jum-pers habang nagsalpak si Shai Gilgeous-Alexander ng apat na free throws para sa panalo ng Thunder.
- Latest