^

PSN Palaro

James-less Lakers giba sa Nuggets

Pilipino Star Ngayon
James-less Lakers giba sa Nuggets
Tinangkang supalpalin ni Kyle Kuzma ng Lakers ang tira ni Paul Millsap ng Nuggets.

LOS ANGELES – Humataw si Paul Millsap ng 21 points at nag-init ang Denver Nuggets sa second half para patumbahin ang Lakers, 128-104, at ilista ang kanilang ikaanim na sunod na pananalasa.

Hindi naglaro si superstar LeBron James para sa Los Angeles, nakahugot kay Anthony Davis ng 32 points at 11 rebounds.

Si James, may 25.8 point average, ay may thoracic muscle strain.

Nagdagdag si Gary Harris ng 19 points  habang may 18, 16 at 14 markers sina Nikola Jokic, Malik Beasley at Will Barton III, ayon sa pagkakasunod, para sa Nuggets na nagtala ng 23-point lead sa kaagahan ng fourth quarter.

Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 18 points, 19 rebounds at 9 assists para igupo ang Indiana Pacers, 117-89.

Nag-ambag si Wesley Matthews ng 19 points para sa NBA-leading Milwaukee, itinala ang ikatlong sunod na panalo matapos makatikim ng 116-120 kabiguan sa Dallas Mavericks na umawat sa kanilang 18-game winning streak.

Sa Oklahoma City, pinantayan ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang career high na 32 points para sa 118-112 paggupo ng Thunder kontra sa Los Angeles Clippers.

Nagtala si Paul George ng 18 points sa kanyang unang laro sa Oklahoma City matapos ang trade sa Clippers.

Hindi naman naglaro si Kawhi Leonard.

Sa Boston, nagpasabog si Jayson Tatum ng career-high 39 points at 12 rebounds, habang tumipa si Kemba Walker ng 23 points para pangunahan ang 119-93 panalo ng Celtics laban sa Charlotte Hornets.

vuukle comment

PAUL MILLSAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with