^

PSN Palaro

Hallasgo nakasilat ng ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hallasgo nakasilat ng ginto
Inagaw ni Christine Hallasgo ang ginto sa marathon event ng 30th SEAG.
Jun Mendoza

CAPAS, Tarlac, Philippines —  Muntik pang hindi makapasok si Christine Hallasgo sa Athlete’s Village rito matapos ang isinagawang athletics test event noong Oktubre.

Ngunit kahapon ay ipinakita ng tubong Malaybalay, Bukidnon na karapat-dapat siyang tumira sa Athlete’s Village.

Itinakbo ni Hallasgo ang gold medal sa women’s 42-kilometer marathon matapos magsumite ng bilis na dalawang oras, 56 minuto at 56 segundo sa 30th Southeast Asian Games dito sa New Clark City Athletics Stadium.

“We asked BCDA official Arrey Perez if Hallasgo could check in with the rest of the national team at the Athletes Village here after our test event last September 1 and we were fortunate that we got her in,” ani athletics president Philip Ella Juico sa 26-anyos na 2019 Milo Marathon Manila Leg titlist.

Inungusan ni Hallasgo si 2017 gold medalist Mary Joy Tabal na nagtala ng 02:58.49 kasunod si Thi Hong Le Pham (03:02.52) ng Vietnam para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

“Hindi ko kasi ini-expect na mananalo ako,” sabi ni Hallasgo. “Basta kinondisyon ko lang ang katawan ko para hindi ako maiwan.”

Bago pa man ang laban ay inireklamo na ni Tabal, ang six-time Milo National Marathon queen, ang ruta na may ilang pababa at pataas na bahagi.

Sa kanyang pagtawid sa finish line ay napaluhod si Tabal, nabigong mapaganda ang kanyang personal best na 2:43.31, bago tuluyang mapahiga dahil sa sobrang kapaguran.

Sinaklolohan siya ng mga paramedics at isinakay sa stretcher palabas ng stadium para bigyan ng paunang lunas.

Sa men’s marathon, pumuwesto sina Jerald Zabala at Anthony Nerza sa pang-lima at pang-anim na puwesto, ayon sa pagkakasunod, na pinagharian ni Agus Prayogo (02:26.48) ng Indonesia.

Nagtala si Zabala ng 02:37.20 at may 02:39.28 si Nerza.

vuukle comment

CHRISTINE HALLASGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with