^

PSN Palaro

Ladon, Suarez tiyak na sa bronze

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginupo ni Olympian Rogen Ladon si Aldoms Sugoro ng Indonesia sa pamamagitan ng 4-1 split decision win upang umabante sa men’s flyweight semifinals ng 2019 Southeast Asian Games boxing competitions kahapon sa PICC Forum sa Pasay City.

Hindi nagpadalus-dalos si Ladon kung saan pinag-aralan muna nito ang galaw ng kanyang karibal bago ito pulbusin sa huling yugto ng laban.

”Pinag-aaralan muna namin yung kalaban. Matibay din yun. Isa siya sa pinakamatibay kong kalaban saka yung Thailand,” ani Ladon na silver medallist sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

“Masaya ako nakuha ko yung laban ko. Tuloy tuloy lang. Nandito tayo sa hometown natin ipakita natin yung galing natin,” dagdag ni Ladon.

Makakasama ni Ladon sa semis sina dating world champion Josie Gabuco, Aira Villegas, Irish Magno at Carlo Paalam na nauna nang nagtala ng magkakaibang panalo.

Pinatumba ni Gabuco si Raksat Chuthamat ng Thailand, 4-1, sa women’s light flyweight habang nanaig naman si Aira Villegas kay Vongphachan Vilayphone ng Laos, 5-0, sa women’s bantamweight.

Namayani naman si Magno kay Hui Xin Yee Leona ng Malaysia, 5-0, sa women’s flyweight at nanalo si Paalam kay Khamsathone Khamphouvanh ng Laos, 5-0, sa men’s light flyweight.

Sa kabilang banda, magarbo ang entrada ni Charly Suarez sa kumpetisyon matapos itarak ang second-round referee-stopped-contest laban kay Min Arkar Paing ng Myanmar para makahirit din ng puwesto sa semis sa men’s lightweight category.

ROGEN LADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with