Gold kay Calica
SUBIC , Philippines — Maugong ang naging pagbabalik ni dating wushu champion Jerome Calica nang makipagkapit-bisig kay Joemar Gallaza upang gabayan sa unang muay thai gold medal ang Pilipinas kahapon sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games dito sa Subic Bay and Exhibition Center.
Halos perpektong routine sa likod ng impresibong techniques ang ipinamalas ng Pinoy duo upang makalikom ng 9.59 puntos at masikwat ang gintong medalya.
Nagkasya naman sa silver at bronze medal ang Malaysia at Indonesia na nakapagtala ng 9.21 at 8.84 points, ayon sa pagkakasunod.
“Bukod sa power at technique, sa stunts at tricks siguro kami lumamang,” anang 37-anyos na si Ca-lica na naging regular na stuntman simula nang hu-ling maglaro para sa bansa 18 taon na ang nakalilipas.
Nagwagi ng gintong medalya si Calica sa wushu noong 2001 SEA Games subalit ginugol na ang kanyang panahon sa pagiging stuntman simula noon nang lumabas sa ilang TV Shows tulad ng Asian Treasures at Kung Fu Kids gayundin sa pelikulang 10,000 hours at Enteng Kabisote.
Samantala sa wo-men’s division, nagkasya lang sa silver medal sina Iredin Lepatan and Rusha Mae Bayacsan (9.45) nang kapusin ng. 02 puntos sa gold medalist na Thailand (9.47).
- Latest