^

PSN Palaro

Mangrobang, Chicano ibinigay ang unang ginto ng Pinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mangrobang, Chicano ibinigay  ang unang ginto ng Pinas
Rambo Chicano and Kim Mangrobang

SUBIC, Zambales, Philippines — Kasabay ng pagbibigay sa Pilipinas ng unang gold medal sa 30th Southeast Asian Games ay nakamit din ni triathlete Rambo Chicano ang kanyang personal na hinahangad.

Nagsumite ang 28-an­yos na si Chicano ng bilis na isang oras, 53 minuto at 26 segundo para sikwatin ang gintong medalya sa men’s triathlon kahapon dito sa Subic Bay Boardwalk.

Noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ay pumangalawa si Chicano sa kababayan niyang si Nikko Huelgas sa nasabing 1.5-kilometer swim, 40-kilometer bike at 10-kilometer run.

“Sobrang saya. Sobrang thankful ako kasi na-defend natin ang gold and silver medal,” sabi ng pambato ng Olongapo City. “Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga kababayan natin na sumuporta sa amin. Para sa inyo ito!”

Inungusan ni Chicano ang kababayang si Andrew Kim Remolino na nagtala ng 1:55:03 para sa silver medal, habang nakuha ni Muhammad Ahlul Firman ng Indonesia ang bronze medal sa oras na 1:57:10.

Isang 1-2 finish din ang ginawa nina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe para angkinin ang ginto at pilak na medalya sa kanilang itinalang  2:02.00 at 2:05.02, ayon sa pagkakasunod.

“Talagang nag-training ako nang husto para rito,” sabi ng 28-anyos na si Mangrobang sa kanyang matagumpay na pagdedepensa sa kanyang korona.

GINTO

KIM KILGROE

KIM MANGROBANG

RAMBO CHICANO

SEA GAMES

TRIATHLETE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with