^

PSN Palaro

Letran itinakdang maghari sa Season 95

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Amin ‘to!--Tan Inilarawan ni rookie coach Bonnie Tan na isang kapalaran para sa Letran Knights na makamit ang kanilang ika-18 titulo sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament.

Sinabi ni coach Tan na tumapos lamang sila sa ikatlong puwesto (12-6) pagkatapos ng double-round elimination habang winalis ng 22-time champion San Beda Red Lions ang elims.

“Playing a team like San Beda, 18-0, defending champion alam nating mahirap pero again walang imposible sabi ko sa mga players. We have a lot of trials during the whole season naman. Lahat ng mga laban sa stepladder hindi naman ibinigay sa atin ng basta-basta. Ang mga panalo nun carried us, yung momentum, until this series,” pahayag ni coach Tan na nakamit ang championship sa unang taon pa lamang bilang head coach.

Dumaan sa butas ng karayom ang Knights sa stepladder semis bago makarating sa best-of-three Finals.     

Ngunit pinatunayan ng Knights na mali ang kanilang mga ‘doubters’ sa pamamagitan ng 81-79 panalo sa deciding Game 3 upang putulin na ang mahabang tatlong taong paghahari ng Mendiola-based San Beda.

 

BONNIE TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with