^

PSN Palaro

Letran tinapos ang San Beda

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Letran tinapos ang San Beda

MANILA, Philippines — Pinatibay ng Letran Knights ang kanilang depensa tungo sa 81-79 panalo kontra sa San Beda Red Lions kahapon para tapusin ang best-of-three Finals series, 2-1 at  angkinin ang titulo sa  Season 95 NCAA  men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

Kumonekta si  Jerrick Balanza ng triples upang iangat ang Letran sa 79-73 bentahe mahigit 1:29 pa ang nalalabi, pero pumukol naman ng three-point shot si Evan Nelle para ibaba sa tatlo ang agwat, 76-79.

Pero hindi nagpatinag ang Letran sa depensa ng San Beda sa huling minuto para itakas ang kanilang ika-18 korona sa harap mismo ng 19,876 crowd.

Ito ang unang korona ng Letran simula noong 2015 sa panahon ni dating head coach Aldin Ayo.

“Sobrang sarap ng fee­ling kasi sa mga pinagdaanan ko sobrang malupit talaga. Pero hindi ako pina­­bayaan ng Letran Community. Kaya ito na ngayon ang titulo, at least naka-dalawa na ako sa Letran,” sabi ni Balanza tinukoy ang dinanas na brain tumor operation noong nakaraang taon.

Umiskor ang gradua­ting na si Balanza ng 27 puntos kabilang na ang 5-of-8 sa three-point area bukod sa limang rebounds. Si Balanza ay kasama rin sa koponan sa huli nilang kampeonato noong 2015.

Nahirang si Letran coach Bonnie Tan bilang “Coach of the Year” sa una pa lamang niyang taon sa Knights at si Fran Yu naman ang napiling Finals MVP. Siya rin ang Most Improved Player sa NCAA season 95.

Samantala, sa juniors’ division nasungkit ng Red Cubs ang kanilang ika-23rd titulo nang tambakan ang Lyceum Junior Pirates, 98-77 sa rubber match.

JERRICK BALANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with