Pinay batters dinurog ang Hong Kong
MANILA, Philippines — Kaagad gumawa ng ingay ang kauna-unahang Philippine women’s baseball team sa kanilang international debut.
Sa paggiya nina veterans Esmeralda Tayag at Wenchi Bacarisas, binugbog ng Philippine team ang Hong Kong, 12-3 sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Baseball Federation of Asia-2nd Women’s Baseball Asian Cup sa Zhongshan, China noong Sabado.
Ikinatuwa ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) secretary-general Pepe Muñoz ang nasabing panalo ng mga Pinay batters sa nasabing eight-team, two-group competition na nagsisilbing qualifying tournament para sa 2020 World Women’s Baseball World Cup.
Kabuuang walong bansa ang hinati sa dalawang grupo sa torneong magtatapos sa Nobyembre 15.
Ang top seed Japan, host China, No. 5 India at No. 6 Pakistan ay kasama sa Group A habang nasa Group B ang Pilipinas, second seed Chinese-Taipei, third seed Korea at fourth seed Hong Kong.
Susunod na lalabanan ng mga Pinay ang South Korea sa Panda Stadium at tatapusin ang kanilang elimination round campaign kontra sa Chinese-Taipei.
- Latest