^

PSN Palaro

Prosper gagawing naturalized player ng Indonesia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos si Denzel Bowles ay si Lester Prosper naman ang susubukan ng Indonesia na gawing naturalized player para sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Determinado ang Indonesia, gagabayan ni Serbian coach Rajko Toroman, na talunin ang Gilas Pilipinas ni mentor Tim Cone sa mens’ basketball ng 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Si Toroman, dating coach ng Gilas Pilipinas, ang lumapit sa 6-foot-5 na si Prosper na maglaro para sa Indonesia sa biennial event.

Ngunit walang sinabi si Toroman kung aabot ang naturalization ni Prosper, naglaro para sa Columbian noong 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nauna nang kinausap ng Indonesia si Bowles para maging naturalized player, ngunit walang nangyari.

Nakita ni Toroman si Prosper nang maglaro sa nakaraang 2019 East Asia League Terrific 12 sa Macau para sa San Miguel katambal si import Dez Wells.

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 94-55, para makuha ang gold medal ng SEA Games na ginanap sa Malaysia noong 2017.

Asam ng Nationals, babanderahan nina June Mar Fajardo, Greg Slaughter at Japeth Aguilar, ang ika-18 korona sa 2019 SEA Games.

DENZEL BOWLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with